And tama ako… lagas na nga followers ko. Well… haha okay lang :)
So to my unfollower, goodbye! Sana makunsensya ka. Haha of course that’s a joke.
Kahapon, napaiyak na naman ako. Hinanap kasi ni Mommy sa’kin yung napagbilhan ng siopao (Ako kasi ‘yung kumubra nun sa bumili eh.) na worth 900+ pesos. Tapos naalala ko, nasa pocket nga pala ‘yun ng blouse ko tapos pagsilip ko sa labas, nandun na si Mama Jossie (‘Yung tagalaba namin) kaya dali-dali akong nagtanong sa kanya kung nalabhan na ba nya ‘yung mga uniform ko. Umoo naman siya kaya tatakbo na naman ako but this time papuntang terrace naman para tignan ‘yung nakahang nang mga damit tapos chineck ko ‘yung mga bulsa ng school uniform ko. Pagtingin ko, wala, so nagpanic na ko nang bongga kasi alam kong dire-diretsong sermon na naman ang aabutin ko.
Umikot na ko nang umikot sa loob ng bahay in hopes na nilabas ko na ‘yung money the night before that day pero hindi eh. Kabadong kabado na ko tapos pilit pa kong pinapakain ni Mommy. Hindi ko sinabi agad sa kanya na nawawala ‘yung pera kasi ayoko munang mapagalitan hangga’t hindi ko pa nakikita. Tapos ayun, nung kumakain ako, lumilipad ang utak ko. Hindi ko maenjoy ‘yung kinakain ko kaya tinanong ko na nang pabulong si Mama Jossie kung may nakuha ba s’yang pera dun sa bulsa tapos sabi nya… “Oo, meron, nakuha na ng Mommy mo.” Hindi agad nagsink-in sa’kin ‘yung mga sinabi n’ya tapos nung nagsink-in na nga, napaluha na lang ako. Ewan ko ba kung bakit. Siguro out of relief na rin. Or siguro, napaiyak ako kasi nagmuka na naman akong engot. HAHA!
I wanna be the very best
The best there ever was.
To drink them is my real test
To chew them is my goal.
I will travel across the land
Searching far and wide.
Mogu-mogu to understand
The awesome taste inside!
Mogu-mogu! (Gotta chew ‘em all!)
I know it’s my destiny
Mogu-mogu!
Ohh, you’re my best drink
In the world we must defend!
Mogu-mogu! (Gotta chew ‘em all!)
A drink so true
Our tastebuds will pull us through
You drink mine and I’ll drink yours
Mogu-mogu!
Gotta chew ‘em all!
Gotta chew ‘em all!
Mogu-mogu!
Hindi ko alam kung may maisusulat ba kong maganda lalo na’t gusto nang pumikit ng aking bilugang mga mata. Ilang araw na rin kasi akong puyat kakagawa ng kung ano-anong kaechosan eh. Siguro ‘yun na rin ang dahilan kung bakit kung ano-ano nang kalokohan ang pinagsasagot ko sa mga quiz naming puro palpak ang score ko at bigla na lang akong nagluka-lukahan at gumawa ng theme song ng Mogu-Mogu. HAHA
Ewan. Basta, iba ‘to dun sa dinadrama ko last time. Kinukutuban ako ng masama eh. Oo alam kong assumera tapos hindi naman ako… Ah basta! Masama talaga ‘yung kutob ko WTF.